Badjao: Ang Sapilitang Panlilimos

Litrato ni Andy G. Zapata Jr. December 10, 2007 Badjao: Ang Sapilitang Panlilimos Inilathala nina Gayle Maritana at Renzel Perey Nakatutuwang isipin na ang ilan sa atin ay gumigising na may nakahandang pagkain, timpladong gatas at may baong pera’t tanghalian. Ngunit bakit sa gitna ng kasaganaan, marami pa rin ang nagkukulang? Para sa buhay ng iba, kinakailangan na makipagsabayan sa mga rumaragasang sasakyan at humahangos na mamimili para lamang makalikom ng kakarampot na barya. Nakakalungkot isipin, ngunit ano ba ang magagawa natin? Isa ang mga Badjao sa mga hindi pinalad sa buhay. Upang makalikom ng pera, kinakailangan pa nilang bumaba ng bundok at makipagsapalaran sa mga malalaking siyudad. Sa pag-aakalang mas mapapa-ayos ang buhay, at sa paniniwalang mas mapapalayo sa karahasan at kaguluhan ay nag pakalayo-layo sa bayang kinalakihan. Gamit ang lukot-lukot na sobre, sariling gawang instrumento at talento, nagkakalaman ang kanilang gutom na sikmura at butas n...